Al | Sixteen | Iskolar ng Bayan
Ako ay likas na masayahin. Gaya mo, minsan na akong nasaktan sa pag-ibig, lalo na kapag paubos na ang Mcdo sundae na kinakain ko.
nakasilip na anghel

Ang iyong mababasa ay pawang personal na opinyon lamang.

Ganito kasi ‘yan. Huwag kang aamin na mahal mo na siya kung hindi ka naman sigurado na may gusto rin siya sa’yo (Maliban nalang kung ang pakay mo lang sa pag-amin ay ang pag-amin lang, walang paghangad ng isang relasyon which is bihira lang). Maaaring ipayo sa’yo ng ibang tao ay ‘Okay lang iyan, take the risk. Walang mangyayare kapag hindi ka aamin’ - MALI! Masyadong risky kapag FRIENDS kayo tapos aamin ka. Kahit sabihin man ng iba na since magkaibigan kayo eh wala nang ilangan, dahil magkakaroon at magkakaroon ‘yan ng ilangan kahit ano mangyare.

Eh ano nga ba mawawala kapag umamin ka at mailang siya? Simple lang naman, ang opportunity na mapafall mo siya sa’yo. Ang lahat naman kasi ay nagsisimula sa FRIENDSHIP. Kung magtetake ka ng risk at nagkataong mawala ang FRIENDSHIP na ito between sa inyong dalawa. Paano ka na makakapag-make ng move? So bottom-line, siguraduhin muna kung (at least) may pag-asa ka sa kaniya. Flirtation is the key my friend. Huwag padalos-dalos.

Although mayroong mga tao na nafafall na rin sa mga taong umaamin sa kanila na mahal sila, pero bihira kasi ‘yun eh. Ibang usapan na HAHAHA! Ang tinatalakay ko sa post na ito ay ang pinaka-common na situation.

Malamang hindi mo malalaman yung sagot kung basta itatanong mo nalang sa sarili mo. Ang pag-ibig kasi isang umaapaw lang ‘yan na emosyon, isang nakakaputang inang state of mind. At dahil isa itong state of mind, hindi mo talaga malalaman kung ano ang tiyak na tinatakbo nito. Sa madaling salita, ang pag-ibig eh parang ‘kabaliwan,’ at alam naman nating lahat na hindi alam ng isang ‘baliw’ na ‘baliw’ siya. Gets na ?

Eh paano mo nga naman ba malalaman kung mahal mo na siya?

1. Kapag bumibisita ka sa wall niya sa Facebook every now and then, at todo stalk sa mga taong kasweet-an niya (daig pa professional na researcher).
2. Kapag naeexcite ka kapag nakakatanggap ka ng text niya (oo kahit GM lang). Minsan to the point pa na bigla kang magpapaload. Tsk tsk.
3. Punta ka sa wall mo sa Facebook o kahit sa Tumblr mo lang para mas madali. Tignan mo ang mga post/status mo na tungkol sa love. Kung siya ang laman ng isip mo habang tinatype mo mga ‘yun, alam na.
4. Kapag may kahit isang picture ka niya sa wallet, computer, cellphone, Ipad, Ipod, brickgame, tamagotchi o kahit ano pa mang kaputahang meron ka at parati mo ‘tong tinititigan kapag wala kang magawa (hindi parating applicable).
5. Tignan mo mga naka-save na messages sa cellphone mo, may text ba ‘siya’ dun? Kung meron at ‘pag binabasa mo’y kinikilig ka, alam na.
6. Kapag sumasanggi siya sa isip mo kapag nakikinig ka ng kahit anong love songs (lalo na mga kanta ni Taylor Swift).
7. Kapag lumilingon ka kapag tinatawag pangalan niya (so feeling mo ikaw siya?).
8. Kapag nakakaramdam ka ng panandaliang pagtigil ng tibok ng puso kapag naririnig mo pangalan niya (literal na cardiac arrest).
9. Kapag hindi ka mapakali kapag online siya at hindi ka niya chinachat (PUTANG INA! Kausapin mo ‘ko gago!).
10. Kapag nadidisappoint ka sa tuwing hindi niya pinapansin mga GM mo (na kadalasa’y nagreresulta ng maya’t mayang pagGM). 

Guilty ka no? HAHA! Ang lahat ng ito ay personal na opinyon lamang. Based on experience na rin HAHAHA! Hindi man gaano ka-accurate, pero makakatulong na rin.

themed by coryjohnny for tumblr